Thursday, September 29, 2011

Perlas ng Silangan Muling Kuminang

Muli nanamang hinangaan ang husay,galing, talino, ng Pinay, nito lamang sa katatapos na Miss Universe 2011.Sa 89 na naggagandahang mga dilag na galing pa sa iba’t ibang panig ng daigdig. Hindi ito naging alintana sa pambato ng Pilipinas na si Shamcey Supsup, upung ipakita ang kanyang natatanging talento.
Sa umpisa pa lang ng Miss Universe 2011, nagpakitang gilas na agad si Shamcey sa pagpapakilala pa lamang. Lubos din syang hinangaan sa kanyang talento sa pagguhit.
Nang namili na ang mga hurado ng mga sasama  sa top 16. Isa si Shamcey sa mga napili.
Isa pa sa ‘di malilimutang pangyayari dito ay ang naiibang paglalakad ni Shamcey, na binansagang “The Tsunami Walk”.
Matapos  nanamang magpakitng gilas ng mga nakasama sa top 16. Muli nanamang namili ang mga hurado ng mga kandidatang makakapasok sa top 10.
Naging madugo ang labanan ng mga naggagandahang mga binibini sa kompetisyong iyon, upang makapasok  sila sa top 5.
At ng makapili na ang mga hurado ng mga kandidatang makakasama sa top 5. Nagsipaghiyawan at halos mapuno ng sigawan ang buong arena sa mapipili. At dahil sa determinasyon ni Shamcey Supsup sa kompetisyon, nakapasok sya sa top 5. Kasama pa ang mga naggagandahang mga dilag na nagmula sa mga bansang Ukraine, Brazil, China at Angola.
Sa huling parte ng ng Miss Universe, dito na masusukat ang mga angking talino ng bawat kandidatang nakapasok sa top 5. Kung saan tatanungin sila  ng isa-isa ng mga tanong na nanggaling sa mga hurado.
Marami ang namangha sa iba’t ibang magagandang sagot ng bawat kandidata sa mga tanong na ibinato sa kanila.
At ito na ang pinakahihintay ng lahat. Kung saan ipoproklama na ang bagong Miss Univerese 2011. Syempre ito ay ipoproklama sa nakagisnang pagproklama sa mga nanalo. Magsisimula ito sa 4th. Runner up, hanggang sa maiproklama ang Miss Universe.
At ang pagiging 4th. Runner up ay nasungkit ni Luo Zilin ng bansang Tsina, 3rd. runner up naman si Shamcey Supsup ng Pilipinas. Nakamit naman ni Priscila Machado ng bansang Brazil ang pagiging 2nd. Runner up. 1st. runner up naman si Olesia Estefanko ng bansang Ukraine. At ang pinaka bagong Miss Universe ng taon na si Leila Lopes ng bansang Angola.
Hindi man nakamit ni Shamcey Supsup ang korona. Nipamalas pa rin nya ang anking husay, galing at talino ng isang Pinay, sa isang prestihiyosong patimpalak gaya nito. Muli na naman nyang ipinakita ang natatanging kinang ng isang mamamayan sa bansang  tinaguriang Perlas ng Silangan.